|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa epidemiya, isang bilyong yuan RMB (144 na milyong dolyalres) ang inilaan ng Ministri ng Pananalapi ng Tsina para sa lalawigang Hubei, sentro ng pagkalat ng epidemiya.
Kasabay nito, ang unang batch ng grupong medikal ng Shanghai, na binubuo ng tatlong doktor at siyam na nars ang dumating ng Wuhan, pinakaapektadong lunsod nitong Huwebes, Enero 23. Tutulong sila sa mga tauhang medikal para gamutin ang mga may sakit. Handang handa na rin ang mga tauhang medikal ng iba't ibang lugar na bansa na gaya ng Guangdong, Sichuan, Anhui, Jiangsu, at Beijing, para matulungan ang Wuhan.
Samantala, nabuo ng bansa ang pambansang grupo ng 14 na dalubhasa para mapigilan ang pagkalat ng epidemiyang dulot ng bagong coronavirus. Ito ang ipinatalastas ngayong araw ng Ministri ng Siyensiya't Teknolohiya ng bansa. Kabilang sa mga pangunahing 10 aspekto ng pananaliksik ng naturang grupo ang pagsunod sa galaw ng virus o virus tracking, pagkalat ng virus, pamamaraan ng pagsusuri, genome evolution, pagdedebelop ng bakuna, at iba pa.
Namumuno sa grupo si Zhong Nanshan, kilalang siyentistang respiratoryo at akademisyan ng Chinese Academy of Engineering. Sikat na sikat si Zhong dahil sa kanyang nagingambag laban sa pagkalat ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) noong 2003.
Bukod dito, itinatag din ng National Administration of Traditional Chinese Medicine ang work group para pakilusin ang mga ospital at doktor ng tradisyonal na gamot Tsino (TCM) sa pagpapagamot sa mga may sakit at pagsasagawa ng mga may kinalamang pananaliksik.
Edit/Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |