Sa panahon ng Spring Festival, pinakamahalagang kapistahan ng Tsina, naganap sa buong bansa ang epidemiya ng bagong uri ng coronavirus. Sa oras na ito, nagkakaisa ang 1.4 bilyong mamamayang Tsino, buong lakas silang nagsisikap para magwagi kontra sa viral outbreak.
Para pigilan ang pagkalat ng epidemiya, kinansela ng Tsina ang aktibidad ng pagdiriwang sa maraming lugar. Kinansela din ng mga ordinaryong mamamayang Tsino ang kanilang plano sa kapistahan na tulad ng pagtitipon-tipon o paglalakbay. Alam ng mga mamamayang Tsino na ang paglaban kontra sa virus ay responsibilidad ng bawat Tsino.
Ipinahayag Enero 23, 2020, sa Geneva, ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Kalihim ng World Health Orgnization na nagsasagawa ang Tsina ng angkop na hakbangin para kontrolin ang pagkalat ng epidemiya, at ipinalalagay ng WHO na sa kasalukuyan, hindi kailangang isagawa ang mas malawak na hakbangin ng restriksyon. Pinapurihan niya ang pakikipagkooperasyon ng Tsina sa WHO sa larangan ng pagkontrol at pagpigil ng epidemiya, at transparency ng Tsina sa pagbabahagi ng impormasyon.
Salin:Sarah