|
||||||||
|
||
Ipinatalastas nitong Huwebes ng madaling araw, Enero 23, 2020 ng lunsod Wuhan, probinsyang Hubei ng Tsina, na mula alas-10 ng umaga ng araw na iyon, pansamantalang sinarhan ang mga paliparan at istasyon ng tren palabas ng lunsod na ito, at pansamantalang sinuspendi ang iba't-ibang uri ng pampublikong transportasyon sa buong lunsod. Bukod dito, hiniling ng pamahalaang panlusod ng Wuhan sa mga residente na huwag umalis. Layon nitong mabisang putulin ang pagkalat ng coronavirus at proteksyunan ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan, at pangangalagaan ang pampublikong seguridad sa buong daigdig. Ang mga ito ay nagpapakita ng mataas na responsibilidad ng Tsina na ipinapauna ang mga tao sa proseso ng pakikibaka laban sa epidemiya.
Walang humpay na kumakalat kamakailan ang epidemiya ng bagong uri ng coronavirus sa Wuhan. Upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng kalagayang epidemiko, dapat agarang putulin ang paglabas ng virus. Ang lunsod ng Wuhan ay pinakamalaking sentrong pangtransportasyon sa central China, at ang pansamantalang pagpapasara nito ay isang napakahirap na pagpili. Batay sa rasyonal na atityud at katapatan, nagawa ng pamahalaang Tsino ang nasabing kapasiyahan. Ipinalalagay ng pamahalaang Tsino na nagiging pinakamahalagang tungkulin ang pangangalaga sa kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.
Sa proseso ng pagharap ng sangkatauhan sa epidemiya, maraming beses na isinagawa ng mga dayuhang bansa ang katulad na hakbangin ng pag-isolate. Tinukoy ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), na napakalakas ng mga isinasagawang aksyon ng Tsina.
Bagama't pansamantalang sinarhan ang mga tsanel palabas, hindi magiging "isolated place" ang lunsod Wuhan. Sa kasalukuyan, pupunta sa Wuhan ang maraming boluntaryong medikal mula sa iba't-ibang lugar ng bansa para makilahok sa pagbibigay-lunas sa mga maysakit. Ipinahayag ng mga residenteng lokal ang kanilang pang-unawa sa isinasagawang aksyon ng pamahalaang Tsino. Dahil anila, para sa buhay at kalusugan, kinakailangan nang lubos ang mga nasabing hakbangin. Ito ay nagpapakita ng mataas na lebel ng pagkakaisa. Bukod dito, ang mga isinasagawang hakbangin ng pamahalaang Tsino ay nagpapakita ng mataas na responsibilidad para sa komunidad ng daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |