Sa harap ng epidemiya ng bagong uri ng coronavirus, walang tigil na nagtatrabaho ang mga medical workers ng Wuhan, para pigilan ang pagkalat ng virus sa lalong madaling panahon. Kasabay nito, sunud-sunod na pumunta sa Wuhan ang mga medical workers mula sa iba't ibang lugar ng Tsina, para ipagkaloob ang tulong sa mga medical staff.
Pumunta din sa Wuhan ang mga dalubhasang dayuhan. Ipinahayag ng eksperto ng Alemanya na ipinadala niya ang dalawang uri ng inhibitors sa Tsina. Sinabi niya na self-limiting ang coronavirus. Kaya kung lilikhain ang sapat na antibodies, magiginglimitado ang pagkakalat ng virus.
Salin:Sarah