|
||||||||
|
||
Ipinahayag ng Tsina ang kahandaang ibayo pang makikipagtulungan sa mga bansang dayuhan bilang tugon sa pagkalat ng bagong coronavirus.
Winika ito ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina sa kanyang pakikipag-usap nitong Martes, Enero 28, kina Dominic Raab, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Britanya at Kang Kyung-wha, Ministrong Panlabas ng Timog Korea (ROK), ayon sa pagkakasunod.
Saad ni Wang, ginagawa ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina ang lahat ng nagagawa para mapigilan at makontrol ang epidemiya at maibalik sa normal ang lahat, sa lalong madaling panahon.
Ipinahayag naman ni Raab ang pagkilala ng Britanya sa pagsisikap ng panig Tsino. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na palakasin ang pakikipagtulungan at pagkikipagkoordinahan sa Tsina at magbigay sa Tsina ng mga kakailanganing materyales medikal sa abot ng makakaya.
Ipinahayag din ni Kang ang paghanga sa pagkakaisa at mga natamong bunga ng pamahalaan at sambayanang Tsino laban sa pagkalat ng bagong virus.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |