Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping: Tsina, may lubos na kompiyansa at kakayahan para pagtagumpayan ang epidemiya ng novel coronavirus

(GMT+08:00) 2020-01-29 13:42:09       CRI

Ipinahayag kahapon, Martes, ika-28 ng Enero 2020, sa Beijing, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na may lubos na kompiyansa at kakayahan ang kanyang bansa, para manalo sa pakikibaka laban sa epidemiya ng novel coronavirus.

Winika ito ni Xi sa kanyang pakikipagtagpo kay Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ng World Health Organization (WHO).

Sinabi ni Xi, na ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ay pinakamahalagang gawain ng Tsina sa kasalukuyan. Aniya, pinamunuan niya ang espesyal na pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina hinggil sa epidemiya ng novel coronavirus, nitong Sabado, unang araw ng Chinese Lunar New Year. Itinakda ang mga komprehensibong hakbangin laban sa pagkalat ng sakit na ito, at itinatag ang sentral na namumunong grupo hinggil sa gawaing ito, dagdag ni Xi.

Sinabi rin ni Xi, na batay sa bukas, maliwanag, at responsableng atityud, inilalabas ng pamahalaang Tsino sa loob at labas ng bansa ang mga impormasyon hinggil sa epidemiya ng novel coronavirus, aktibong tinutugunan ang pagkabahala ng lahat ng mga panig, at pinapalakas ang pakikipagtulungan sa komunidad ng daigdig.

Dagdag ni Xi, tinatanggap ng Tsina ang paglahok ng WHO sa pagpigil at pagkontrol sa kasalukuyang epidmiya, at bumisita na ang mga eksperto ng WHO sa Wuhan, lugar sa gitnang Tsina kung saan unang sumiklab ang epidemiya. Nananalig aniya siyang isasagawa ng WHO at komunidad ng daigdig ang obdiyektibo, makatarungan, at makatwirang pagtasa sa epidemiyang ito.

Sinabi naman ni Tedros, na kahanga-hanga ang pagpapakita ng pamahalaang Tsino ng matatag na determinasyong pulitikal at pagsasagawa ng mga napapanahon at malakas na hakbangin laban sa epidemiya ng novel coronavirus. Dagdag niya, inilalabas ng panig Tsino ang mga impormasyon batay sa bukas at transparent na paraan, kinilala ang pathogen sa loob ng maikling panahon, at napapanahong ibinahagi sa WHO at ibang mga bansa ang genetic sequence ng novel coronavirus. Pinasalamatan ni Tedros ang Tsina sa pagsasagawa ng naturang mga hakbangin bilang pangangalaga hindi lamang sa mga mamamayang Tsino, kundi rin sa mga mamamayan ng daigdig. Hinahangaan din niya ang mabilis at malawak na aksyon ng Tsina sa isyung ito.

Ipinahayag din ni Tedros ang pananalig na pagtatagumpayan ng Tsina ang epidemiya ng novel coronavirus. Dagdag niya, isasagawa ng WHO ang pagtasa sa epidemiya batay sa siyensiya at mga katotohanan, at tinututulan ang mga labis na reaksyon at walang batayang akusasyon.

Salin: Frank

Web-edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>