|
||||||||
|
||
Bunsod ng epidemiya ng bagong coronavirus, nakatakdang magkaroon Pebrero 10, 2020, ng mga kursong online ang mga estudyanteng elementaryo at sekundaryo sa Wuhan, lunsod kung saan nagsimula ang epidemiya.
Ito ang ipinahayag ng Kawanihang Pang-edukasyon ng Wuhan. Nauna rito, hiniling nitong Lunes, Enero 27 ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina sa mga institusyon ng mas mataas na edukasyon ng buong bansa na ipagpaliban ang simula ng bagong semestre.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |