Gumawa ng video conference kahapon, Martes, ika-28 ng Enero 2020, ang Ministri ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina, upang palakasin ang mga detalyadong gawain ng mga organo ng seguridad na pampubliko sa buong bansa para sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng novel coronavirus, batay sa mga patnubay ni Pangulong Xi Jinping.
Ayon sa pulong, dapat palakasin ng mga organo ng seguridad na pampubliko ang gawaing panseguridad sa mga institusyong medikal, pigilin ang paglaganap ng mga di-totoong impormasyon hinggil sa epidemiya, tulungan ang mga departamentong pantransportasyon sa mga gawain ng paghahatid ng mga tauhan at kagamitang medikal at pagkuha ng temperatura ng mga pasahero, labanan ang mga ilegal na aksyong gaya ng sinasadyang pagpapataas ng presyo ng mga paninda, at iba pa.
Salin: Frank
Web-edit: Jade