|
||||||||
|
||
Ipinagdiinan kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa gitna ng maigting na kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng novel coronavirus, dapat ipauna ang kapakanan ng mga mamamayan, at pagtagumpayan ang epidemiya, batay sa puwersa ng mga mamamayan.
Ayon kay Xi, ang lahat ay para sa mga mamamayan, at nababatay sa mga mamamayan.
Ipinagdiinan niyang, ito ay tradisyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at mahalagang karanasang natamo ng Tsina sa walang humpay nitong pag-unlad at progreso.
Ang naturang patnubay ni Pangulong Xi ay hindi lamang nagpapakita ng ideya sa pamamahala ng CPC at pamahalaang Tsino, kung saan, ang palagiang nukleo ay pagpupunyagi para sa mga mamamayan, kundi nagbubunyag din ng pangangailangan at kahalagahan ng pagpapasigla ng puwersang panlipunan sa pinakamalaking digri, para puksain ang epidemiya.
Sa kasalukuyan, implimentado na sa 31 lalawigan, rehiyong awtonomo at munisipalidad ng mainland ng Tsina ang first-level emergency response, kung saan, ang pinakamahalaga't pinakapangkagipitang tungkulin ay pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Mahigit 6,000 tauhang medikal ang dagliang nagsadya sa Lalawigang Hubei para suportahan ang gawain ng paggamot sa mga apektado.
Samantala, ang mga tauhan ng mga kaukulang industriya ay puspusang nagtatrabaho at nag-o-overtime para ma-i-prodyus ang mga kinakailangang materyal.
Sa kabilang banda, puspusan ding isinasagawa ng mga siyentista ang pananaliksik, pagpoprodyus at pagsubok ng bakuna laban sa nasabing virus.
Kitang-kitang nagbubuklud-buklod ang mga miyembro ng lipunang Tsino para magkakasamang puksain ang epidemiya.
Bukod dito, isinasagawa ng iba't ibang lugar ng bansa ang lahat ng mga mabisang hakbangin para mapalakas ang pagmomonitor, pagsusuri, maagang pagbabala, at pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Kaugnay nito, sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO, na kahanga-hanga at pambihira sa daigdig ang bilis at saklaw ng ginagawang pagsisikap ng Tsina para pigilan ang pagkalat ng epidemiya, at ang kaukulang karanasan nito ay karapat-dapat na tularan ng ibang bansa.
Hinding hindi mahahadlangan ng naturang biglaang epidemiya ang landas ng pag-unlad ng Tsina.
Sa pamamagitan ng puwersa at pagbubuklud-buklod ng lahat ng mga mamamayan, siguradong mapapanaigan ang lahat ng mga kahirapan, at mapagtatagumpayan ang epidemiya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |