Ipinadala nitong Huwebes, Enero 30, 2020 ng Hefei, Punong Lunsod ng Lalawigang Anhui ng Tsina ang 300 toneladang sariwang gulay sa Wuhan, para makatulong sa mga taga-lunsod upang pabutihin ang kanilang kalusugan laban sa epidemiya ng novel coronavirus.
Ayon sa salaysay, ang naturang pangkat ng gulay na nagkakahalaga ng mahigit 2 milyong yuan RMB ay makakatugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng 10,000 pamilya sa loob ng isang linggo.
Nakapasa ito sa dalawang beses na pagsusuri sa kalidad.
Salin: Vera