Lumisan kaninang umaga, ika-26 ng Enero, 2020, ng Manila ang Flight B777 ng China Eastern Airlines (CEA) papunta sa paliparan ng Wuhan, Hubei para ihatid ang mga supplies para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus. Ang naturang mga supplies ay kinabibilangan ng iba't ibang uri ng masks at hazmat suit.
Napag-alamang nagkakaroon ng kakulangan sa mga nasabing supplies dala ng pagdami ng bilang ng mga nahawa sa mabilis na kumakalat na sakit.
Nauna ruto, inihatid na sa Wuhan ng CEA ang 136 tauhang medikal at halos 4.7 tonelatang medical supplies sa Wuhan mula sa Shanghai.
Ulat / Litrato: Ernest
Pulido: Mac
Web Editor: Lito