|
||||||||
|
||
Si Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas
Ipinahayag Linggo, Enero 26, 2020, ni Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas, na buong sikap na pinipigilan at kinokontrol ng Pamahalaang Tsino ang pagkalat ng epidemya ng coronavirus.
Winika ito ni Huang nang dumalo siya sa aktibidad sa Quezon City bilang pagdiriwang sa Chinese Spring Festival.
Pinasalamatan ni Embahador Huang ang pagmamalasakit ng iba't ibang sektor ng Pilipinas sa kalagayan ng paglaban ng Tsina sa epidemya ng coronavirus.
Sinabi niyang bilang tugon sa kalagayan ng mabilis na pagkalat ng coronavirus, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayang Tsino.
Dagdag pa niyang binalangkas ng pamahalaang Tsino ang masusi at mahigpit na plano at ini-organisa nito ang mga puwersa sa iba't ibang larangan para mabisang mapigilan ang pagkalat ng epidemya.
Sinabi pa ni Huang na inaasikaso at iginagarantiya ng panig Tsino ang kaligtasan ng mga dayuhan sa Tsina, na gaya ng mga Filipino, batay sa responsable na atityud.
Naniniwala aniya siyang mapagtatagumpayan ng Tsina ang epidemya ng coronavirus sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap at mahigpit na pagtutulungan ng iba't ibang may kinalamang panig.
Aniya pa, nakahanda ang panig Tsino na pahigpitin, kasama ng World Health Organization at ibang mga may kinalamang bansa, ang kooperasyon para buong sikap na tugunan ang epidemya ng coronavirus at mapangalagaan ang kaligtasang pangkalusugan sa rehiyong ito at buong daigdig.
Samantala, walang Pilipino ang naiulat na nagkasakit sa bagong coronavirus na kumakalat sa Tsina. Ito ang naging pahayag ng mga opisyal ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing, Konsulada ng Shanghai at maging sa Guangzhou sa China Media Group Filipino Service nitong Enero 25, 2020.
Ayon kay Consul General Wilfredo Cuyugan ng Shanghai, may 150 Pilipino sa Wuhan, Hubei, ground zero ng epidemya. Kasalukuyang naka-lockdown ang lunsod bilang bahagi ng pagtugon sa pagkalat ng virus. Kàugnay niti naglabas ang Philippine Consulate General Shanghai ng mga paalala at nagbukas ng hotline para sa mga Pilipinong mangangailangan ng tulong kaugnay ng epidemiya sa mga lalawigan ng Hubei, Jiangsu, Zhejiang at Shanghai.
Ulat: Ernest
Pulido: Mac
Web Editor: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |