Sa pahayag ng mga opisyal ng Konsulado ng Pilipinas sa Shanghai at Guanzhou, walang mga Pinoy ang nahawahan ng sakit na dulot ng bagong coronavirus. Tanghali ng Enero 28, 2020 ipinaalam sa China Media Group ni Consul General Marshall Louis Alferez ng Guangzhou Consulate na walang apektadong Pilipino sa mga lalawigang Guangdong, Hunan at Guangxi. Samantala, ayon naman kay Consul Marlowe Miranda ng Shanghai Consulate, nananatiling ligtas sa novel coronavirus affliction ang mga Pilipino sa Hubei, Anhui, Jiangsu, Zhejiang at Shanghai. Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga opisyal ng Pilipinas sa Filipino community lalo na sa Wuhan, Hubei kung saan nagsimula ang epidemya. Bukas ang linya ng komunikasyon sa nasabing mga kunsulado upang agad na rumisponde sa mga Pilipinong mangangailangan ng tulong.
Ayon sa National Health Commission ng Tsina, alas-11 ng umaga Enero 28, umabot na sa 4535 ang kumpirmadong kaso sa Chinese mainland, 106 ang namatay sa Tsina. 100 katao na ang binawian ng buhay sa Hubei ngayong araw kaugnay ng novel coronavirus epidemic, Hebei Province 1, Henan Province 1, Heilongjiang Province 1, Hainan Province 1, Beijing 1 at sa Shanghai 1.
Ulat: Mac
Web Editor: Lito