|
||||||||
|
||
Nagpulong nitong Lunes, Enero 3, 2020 ang Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) para isaayos ang gawain ng pagpigil at pagkontrol kaugnay ng epidemiko ng 2019-nCov sa susunod na yugto.
Tinukoy sa pulong na ang kasalukuyang kalagayan ay isang malaking pagsubok sa sistema at kakayahan ng pangangasiwa ng Tsina.
Ayon sa pulong, ang bentahe ng sistema ay pinakamalaking sandigan ng estado. Upang mapagtagumpayan ang kasalukuyang kalagayang epidemiko, kailangang igiit ang matatag na pamumuno ng CPC, lubos na patingkarin ang bentahe ng sistemang sosyalistang may katangiang Tsino, at patuloy na pangalagaan ang tiwala ng mga mamamayan.
Bunga nito, walang humpay na natatamo ang progreso sa paggarantiya ng pagkakaroon ng mga materyal na medikal at kagamitang esensyal sa pang-araw-araw na pamumuhay, na mahalaga sa pagpigil at pagkontrol sa kalagayang epidemiko. Maliwanag na walang tigil ang paglakas ng bentahe ng sistemang sosyalistang may katangiang Tsino sa kakayahan at bisa ng pangangasiwa, bagay na nagpapasulong sa mga kaukulang gawain.
Ngunit, sa kabila nito, nananatili pa ring mahigpit ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiko ng 2019-nCov, at marami pang problemang dapat agarang lutasin.
Tinukoy sa nasabing pulong na dapat ilagom ang karanasan at muling pag-aralan ang mga nakaraang leksyon.
Bilang tugon sa mga problemang nakikita sa kalagayang epidemiko, dapat kumpletuhin ang pambansang sistema ng pangangasiwa sa mga pangkagipitang pangyayari upang mapataas ang kakayahan ng bansa sa paghawak sa mga pangkagipitang tungkulin.
Bagama't mabigat at mahirap ang trabahong dapat kaharapin, kung lubos na mapapatingkad ang bentahe ng sistema at mahigpit na susuporta ang mga mamamayan, tiyak na mapagtatagumpayan ng Tsina ang epidemiko ng 2019-nCov.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |