Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, sa loob nitong Miyerkules, ika-5 ng Pebrero 2020, 3,694 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus (2019-nCoV) sa mainland Tsina. Samantala, 5,328 ang bagong pinaghihinalaang kaso, 261 ang gumaling, at 73 naman ang namatay.
Ayon pa rin sa estadistika, hanggang kahapon ng hatinggabi, umabot na sa 28,018 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa mainland, Tsina, at 24,702 ang pinaghihinalaang kaso. Samantala, 1,153 ang gumaling, at 563 ang namatay.
Salin: Frank