Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Miyerkules, Pebrero 5, 2020 kay Hun Sen, dumadalaw na Punong Ministro ng Cambodia, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang biyahe ni Hun Sen. Aniya, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Kambodyano, para walang humpay na mapayaman ang nilalaman ng komprehensibo't estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinagdiinan ni Li na sa proseso ng pakikibaka laban sa epidemiko ng bagong coronavirus, isinasagawa ng pamahalaang Tsino ang siyentipikong pagkontrol at pagpigil, at buong sikap na iginagarantiya ang suplay ng mga mahalagang medikal na materyal at pangaraw-araw na pangangailangan para proteksyunan ang kaligtasan ng mga mamamayang Tsino at mga dayuhang mamamayang dayuhan sa Tsina na kinabibilangan ng mga Kambodyano.
Ipinahayag naman ni Hun Sen na buong tatag na sinusuportahan ng panig Kambodyano ang pamahalaan at mga mamamayang Tsino. Nananalig aniya siyang tiyak na mapagtatagumpayan ng mga mamamayang Tsino ang kalagayang epidemiko.
Salin: Lito