|
||||||||
|
||
Muling kinumpirma nitong Huwebes, Pebrero 6, 2020 ng Lupong Tagapag-organisa ng Tokyo Olympic Games na kahit patuloy na kumakalat ang epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCov), hinding hindi kakanselahin ang olimpiyada na bubuksan sa Tokyo sa ika-24 ng Hulyo.
Malinaw na ipinahayag din nitong isasagawa ang lahat ng mga posibleng hakbangin upang harapin ang bantang dulot ng epidemiya. Ipopokus ng mga hakbangin sa dalawang aspekto: una, pipigilang mahawa sa virus ang mga miyembro ng lupong tagapag-organisa; at ika-2, pipigilan ang pagkahawa ng mga atleta sa panahon ng olimpiyada.
Nauna rito, isiniwalat ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na mahigpit na makikipagtulungan ang kanyang bansa sa World Health Organization (WHO), upang maigarantiya ang matatag na pagsulong ng gawaing preparatoryo ng Tokyo Olympic Games at Paralympic Games, at maiwasan ang epekto ng pagsiklab ng epidemiya.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |