Ipinahayag ngayong araw, Biyernes, ika-7 ng Pebrero 2020, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pasasalamat ng panig Tsino sa Thailand sa pagsuporta at pagbibigay-tulong sa paglaban ng Tsina sa epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCoV).
Sinabi ni Hua, na pagkaraang sumiklab ang epidemiya, hindi ipinagbabawal ng Thailand ang pagpasok ng mga Tsino, ipinagkaloob ng pamilyang royal at pamahalaang Thai ang mga kagamitang medikal sa panig Tsino, at ipinahayag ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha at iba't ibang sirkulo ng Thailand ang pagsuporta at kagandahang-loob sa mga mamamayang Tsino. Ang mga ito ay nagpapakita ng pakikipagkaibigan ng Thailand sa Tsina, bilang matalik na kapitbasa at komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partner, diin ni Hua.
Salin: Frank