Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, nitong Biyernes, ika-7 ng Pebrero 2020, 3,399 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng novel coronavirus (2019-nCoV) sa mainland Tsina. Samantala, 4,214 ang bagong pinaghihinalaang kaso, 510 ang gumaling, at 86 naman ang namatay.
Ayon pa rin sa estadistika, hanggang kahapon ng hatinggabi, umabot na sa 34,546 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa mainland Tsina, at 27,657 ang pinaghihinalaang kaso. Samantala, 2,050 ang gumaling, at 722 ang namatay.
Salin: Frank