Sa pagsang-ayon ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP) at pamahalaang Lao, magkasamang itinaguyod ng Laos-China Friendship Association at pamahalaan ng Vientiane ang aktibidad ng pangingilak ng donasyon bilang suporta sa pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Kalahok sa nasabing aktibidad ang mahigit 300 bahay-kalakal at mga samahang komersyal ng Laos. Ayon sa di-kompletong estadisktika, mahigit 500,000 dolyares na ang nai-abuloy na pondo. Sa susunod na isang linggo, itatayo ng pamahalaang Lao ang mga himpilan ng pagtanggap ng mga iaabuloy na pondo't materyal sa iba't ibang lugar ng bansa, at ililipat ang mga ito sa pamahalaang Tsino pagkatapos ng donasyon. Nauna rito, iniabuloy na ng iba't ibang sirkulo ng Laos sa panig Tsino ang mahigit 760,000 mask, 160,000 pares na medical glove, at maraming materyal na medikal.
Salin: Vera