|
||||||||
|
||
Vientiane — Idinaos sa kabisera ng Laos nitong Linggo, Oktubre 6, 2019 ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC). Pinangunahan ito nina Vilay Lakhamfong, Kalihim ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party at Ministro ng Pampublikong Seguridad ng Laos, Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa Laos, at iba pang personahe.
Ipinaabot ni Vilay ang mainit na pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng PRC. Aniya, buong tinding nananalig ang partido, pamahalaan, at mga mamamayang Lao na sa ilalim ng malakas na pumumuno ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na si Xi Jinping ang nukleo, tiyak na maisasakatuparan ng mga mamamayang Tsino ang "Chinese Dream" ng dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino.
Idinagdag pa niya, buong tatag na sinusuportahan ng Laos ang posisyon ng partido at pamahalaang Tsino sa pagharap sa kasalukuyang situwasyon ng Hong Kong. Kinakatigan din aniya ng Laos ang ginagawang hakbangin ng panig Tsino sa pagpigil sa karahasan at kaguluhan, pagpapanumbalik ng kaayusan, at pagtutol sa external interference.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |