|
||||||||
|
||
Si Somphan Pheangmixay, Kagawad ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party at Pangalawang Tagapangulo ng Kongreso ng Laos
Sa isang panayam sa Beijing nitong Lunes, Hulyo 1, 2019, ipinahayag ni Somphan Pheangmixay, Kagawad ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party at Pangalawang Tagapangulo ng Kongreso ng bansa, na ang maayos na paglutas ng Tsina at Amerika sa kanilang alitang pangkalakalan ay nakakabuti sa kabuhayang pandaigdig.
Sinabi niya na ang anunsyo ng Amerika na hindi na magpapataw ng dagdag na taripa sa mga inaangkat na produktong Tsino, ay may mahalagang katuturan para resolbahin ang trade friction ng dalawang bansa. Aniya, nitong ilang araw na nakalipas, ang alitang pangkalakalan ng dalawang bansa ay hindi lamang nagdudulot ng negatibong epekto sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan at kalakalan, kundi apektado rin nito ang kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |