Pinabulaanan ngayong araw, Biyernes, ika-14 ng Pebrero, 2020, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang sinabi ni Larry Kudlow, Direktor ng National Economic Council ng White House ng Amerika, na hindi inaanyayahan ng Tsina ang Amerika para lumahok sa pagharap sa epidemiya ng novel coronavirus pneumonia (COVID-19), at kulang ang Tsina sa transparency sa aspektong ito.
Sinabi ni Geng, na pagkaraang sumiklab ang epidemiya, aktibo at bukas ang Tsina sa pakikipagkooperasyon sa Amerika. Aniya, pinananatili ng mga departamentong pangkalusugan ng dalawang bansa ang pag-uugnayan at pagbabahagi ng mga impormasyon, isinasagawa ng mga institusyon ng pananaliksik at mga siyentistang Tsino at Amerikano ang pagpapalitan, at tinatanggap din ng Tsina ang paglahok ng mga ekspertong Amerikano sa magkasanib na grupo ng pagsusuri ng Tsina at World Health Organization. Hinahangaan naman ni Pangulong Donald Trump at Kalihim Alex Azar ng Kagawaran ng Kalusugan ng Amerika ang pagiging transparent ng Tsina sa mga isyung kaugnay ng epidemiya, dagdag ni Geng.
Salin: Liu Kai