Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, hanggang 11:59pm ng Pebrero 15, 2020, 166 ang nitalang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mga rehiyon ng Chinese mainland, sa labas ng Lalawigang Hubei. Patuloy na bumababa ang datos na ito nitong nakalipas na 12 araw.
Hanggang 11:59pm ng Pebrero 15, 68,500 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 1,665 ang binawian ng buhay. Samantala, 8,228 ang pinaghihinalaang kaso, at 9,419 katao ang gumaling na.
Salin: Lito