|
||||||||
|
||
Sa pahayag na ipinalabas nitong Sabado, Pebrero 15 (local time), 2020 ng Airbus Group, ipinahayag nito ang lubos na pagkalungkot sa nagawang kapasiyahan ng United States Trade Representative (USTR) Office na itaas ang taripa sa mga inaangkat na eroplanong pansibilyan mula sa Unyong Europeo (EU).
Ipinahayag ng Airbus Group na ang nasabing kapasiyahan ng USTR Office ay makakapagsidhi ng tensyon sa kalakalang Amerikano-Europeo. Bukod dito, makakalikha ito ng mas maraming di-tiyak na elemento sa mga kompanyang abiyasyon ng Amerika, anito pa.
Ipinatalastas Pebrero 14 ng USTR Office na itinaas nito sa 15% mula 10% ang taripa sa mga inaangkat na eroplanong pansibniyan mula sa EU.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |