Ipinahayag nitong Huwebes, Mayo 2, ni Federica Mogherini, Puno ng European Union (EU) sa Patakarang Panlabas, ang kalungkutan at pagtutol ng EU sa ganap na pagpapatupad ng pamahalaang Amerikano ng 1996 Helms-Burton (LIBERTAD) Act laban sa Cuba.
Sa pahayag, inilahad din ni Mogherini ang kahandaan ng EU na magsagawa ng lahat ng angkop na hakbangin bilang tugon sa mga epektong dulot ng nasabing desisyon ng Amerika. Kabilang dito ay paggamit ng Blocking Statute, batas ng EU laban sa unilateral na sangsyon ng Amerika.
Noong Abril 17, ipinatalastas ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika na simula Mayo 2, pahihintulutan ng administrsyon ni Pangulong Donald Trump ang pagpapatupad sa Title III ng Helms-Burton Act, bagay na mauuwi sa mga potensyal na kaso laban sa mga negosyong dayuhan sa Cuba.
Salin: Jade