Kaugnay ng pagpapataw ng Amerika ng sangsayon sa mga bahay-kalakal ng maraming bansa na kinabibilangabn ng Tsina, batay sa batas na panloob nito, sinabi Lunes, Pebrero 17, 2020 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina na buong tatag na tinututulan ito ng panig Tsino, at iniharap na ang solemnang representasyon sa panig Amerikano. Hinimok niya ang panig Amerikano na agarang iwasto ang ganitong maling aksyon, at alisin ang umano'y desisyon ng sangsyon.
Ayon sa proklamasyon ng pamahalaang pederal ng Estados Unidos, batay sa Iran, North Korea, and Syria Nonproliferation Act, pinapatawan ng sangsyon ang 6 na kompanyang Tsino, 3 kompanyang Ruso, 1 bahay-kalakal ng Iraq at 1 bahay-kalakal ng Turkey.
Salin: Vera