Kinumpirma ngayong araw ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na magkakasunud-sunod na dumating ng bansa ang mga dalubhasa ng China-World Health Organization (WHO) Joint Mission sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng coronavirus (COVID-19). Kasama sa nasabing mga dalubhasa ang mga ekspertong Amerikano.
Ang nasabing mga dalubhasa ay maglalakbay-suri o field trip sa Beijing, Guangdong at Sichuan, dagdag pa ni Geng.
Salin: Jade