|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng espesyal na video, nagbukas ngayong araw, Huwebes, Enero 20 sa Vientiane, Laos, ang Espesyal na Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa Epidemiya ng novel coronavirus (COVID-19).
Tampok sa nasabing video ang pagpupursige at pagkakaisa ng sambayanang Tsino sa pagtugon sa COVID-19, at pangungumusta at pagsuporta ng mga lider ng sampung bansang ASEAN.
Magkakahawak-kamay ang mga kalahok na ministro ng Tsina at ASEAN para bigyan lakas-loob ang Tsina, lalong lalo na ang mga taga-lunsod Wuhan, episentro ng epidemiya.
Magkasamang nangulo sa pulong sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Kalihim Teodoro Locsin ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DOF) ng Pilipinas.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |