|
||||||||
|
||
Nitong Martes, Pebrero 18, 2020, magkahiwalay na nakipag-usap sa telepono si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kina Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya at Punong Ministro Boris Johnson ng Britanya.
Sa masusing panahon ng paglaban ng Tsina sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), muling kinumusta at pinasigla ng komunidad ng daigdig ang Tsina, at ibinigay ang makatarungang pagtasa sa pagsisikap ng bansa sa pagpigil sa epidemiya.
Ipinahayag din ng komunidad ng daigdig ang mithiin sa pagbubuklod at pagtutulungan, at nagkaloob ng mas maraming suporta para sa patuloy na pagpapasulong ng Tsina sa pagpuksa sa epidemiya.
Nitong nakalipas na 16 araw, tuluy-tuloy na bumaba ang bilang ng mga bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga rehiyon sa mainlad Tsina, liban sa Lalawigang Hubei.
Sa kasalukuyan, wala pang 1% ang proporsyon ng mga naitalang kumpirmadong kaso sa ibang bansa't rehiyon kumpara sa kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso.
Ito ay nagpapatunay, na ang pinakakompleto't pinakamahigpit na hakbangin ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ay hindi lamang nangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayang Tsino, kundi nangangalaga rin sa kaligtasan ng kalusugang pampubliko ng buong mundo.
Sa kasalukuyan, kasabay ng pagtatamo ng malinaw na bunga ng mga hakbangin sa pagpuksa sa epidemiya, sinimulan na rin ng iba't ibang lugar ng Tsina ang maayos na pagpapanumbalik ng operasyon at produksyon.
Matapos sumiklab ang epidemiya, ito' unti-unting pinagtatagumpayan ng Tsina, sa pamamagitan ng puwersa ng mga mamamayan nito.
Nakatanggap din ito ng pag-unawa at suporta sa komunidad ng daigdig.
Batay sa diwa ng pagbubuklod at pagtutulungan, lilitaw ang bagong pagkakataon para sa pagpapasulong ng kooperasyong pandaigdig.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |