|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kamakailan ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na ipagkakaloob sa Tsina at ibang bansa ang di-lampas sa 100 milyong dolyares na saklolo para sa pagpigil sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Pebrero 19, 2020 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pag-asa ng panig Tsino na mapapatingkad ang papel ng kaukulang saklolo sa lalong madaling panahon para sa pagpuksa sa epidemiya.
Ani Geng, walang hanggahan ang pagpigil sa epidemiya.
Winewelkam at pinasasalamatan aniya ng panig Tsino ang tulong ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Amerika.
Isinalaysay pa niyang kinoordina at iniorganisa kamakailan ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang may kinalamang organo sa pagkakaloob ng 16 na toneladang iba't ibang uri ng materyal sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa Lalawigang Hubei.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |