Ipinagdiinan kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang mga tauhang medikal ay gulugod ng puwersa sa pagpuksa sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Dapat aniyang lubos na pahalagahan ang pangangalaga at pagmamahal sa kanila, at ipagkaloob ang suporta at garantiya sa iba't ibang aspekto, upang maigarantiyang malusog silang magpunyagi sa pagpuksa sa epidemiya.
Winika ito ni Xi sa isang patnubay sa pangangalaga at pagmamahal sa mga tauhang medikal na kasali sa gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Diin ni Xi, dapat pag-ibayuhin ang mga hakbangin para mapahupa ang presyur sa mga tauhang medikal, maigarantiya ang suplay sa kanilang pamumuhay, isaayos ang kanilang oras ng pahinga, at pasiglahin ang kanilang gawain sa pamamagitan ng iba't ibang paraan.
Dagdag niya, dapat igarantiya ang ligtas, maayos, mabisa, napapanahon at mabilis na pagsasagawa ng mga gawain ng mga grupong medikal sa Lalawigang Hubei.
Salin: Vera