|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo Pebrero 19, 2020, sa Vientiane ng Laos, si Ministrong Panlabas Wangyi ng Tsina kay Pham Binh Minh, Pangalawang Premyer at Ministrong Panlabas ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Wang na sa kasalukuyan, nagkakaisa ang mga mamamayang Tsino para labanan ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Kailangang agarang ibahagi ng Tsina at ASEAN ang impormasyon at palakasin ang kooperasyon para magkasamang harapin ang epidemiya at mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan ng Tsina at ASEAN, aniya.
Ipinahayag ni Wang na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang Lancang-Mekong Cooperation (LMC), at nakahanda siyang aktibong pasulungin ang pag-uugnay ng LMC at New Land-Sea Corridor, para tulungan ang pag-unlad ng kabuhayan ng LMC.
Ipinahayag ni Pham Binh Minh na lubos na pinapupurihan ng Biyetnam ang pagsisikap ng Tsina para labanan ang epidemiya.
Tiyak na magtatagumpay ang Tsina sa paglabanan sa epidemiya, diin niya.
Salin: Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |