Gaganapin sa Geneva ngayong araw, Mayo 21 (local time), 2018, ang Ika-71 Pulong ng World Health Organization (WHO). Sa isang news briefing nitong Linggo, ipinahayag ni Ma Xiaowei, Direktor ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, na pinahahalagahan ng Tsina ang paggarantiya sa kalusugan ng mga mamamayan at pagdaragdag ng kapakanan sa kanilang pamumuhay. Aniya, aktibong nakikilahok ang Tsina sa pagsasaayos sa kalusugan sa buong mundo upang makapagbigay ng katalinuhan at "puwersang Tsina" para sa kalusugan ng buong sangkatauhan.
Ang WHO Conference ay idinaraos bawat taon kung saan tinatalakay ang tungkol sa mga isyu ng kalusugan sa daigdig.
Salin: Li Feng