|
||||||||
|
||
Dahil sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagkaroon ng kakulangan sa mga mask at ibang materyal na medikal, at ito ay isa sa mga pinakamalaking problema sa kasalukuyan.
Kaugnay nito, sa patnunubay ng pamahalaan ng Shanghai, nagkooperasyon kamakailan ang dalawang kompanya, upang makapagprodyus ng bagong uri ng N95 mask na maaari muling gamitin.
Ayon pa sa ulat, ang 1 piraso nito ay katumbas ng 20 normal na mask, at ito ay nasa 15-25 yuan RMB kada piraso.
Sa kasalukuyan, pinapabilis ang pagpoprodyus ng bagong uri ng mask.
Ayon sa pagtaya, maaaring magawa ang mahigit 300 libong bagong mask bawat araw mula sa ika-28 ng buwang ito.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |