Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Espesyal na pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at ASEAN hinggil sa COVID-19, ginanap sa Vientiane

(GMT+08:00) 2020-02-20 18:17:52       CRI

Ginanap Huwebes, Pebrero 20, 2020 sa Vientiane, Laos ang espesyal na pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa isyu ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Magkasamang nangulo sa pulong sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Kalihim Teodoro Locsin ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DOF) ng Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa pulong, detalyadong isinalaysay ni Wang ang mga ginawang hakbangin at malinaw na bunga ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng COVID-19.

Aniya, kahit ang epidemiya ay nagbunsod ng hamon sa pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng Tsina, pansamantala at limitado ang epekto nito.

Hindi lamang pagtatagumpayan ng Tsina ang epidemiya, kundi masipag ding isasakatuparan ang nakatakdang target ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan, dagdag ni Wang.

Saad ni Wang, dapat mabisang pigilan ng Tsina at ASEAN ang pagkalat ng epidemiya, sa pamamagitan ng mas mahigpit at aktibong kooperasyon.

Para rito, iniharap niya ang apat na mungkahi: Una, palakasin ang magkakasamang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, sa pamamagitan ng mabisang koordinasyon at kooperasyon ng mga departamento ng kalusugan, transportasyon, kuwarentenas, adwana at iba pa ng kapuwa panig; Ika-2, tiyakin ang pangmatagalang mekanismo ng kooperasyon; Ika-3, makatarungang harapin ang epidemiya, at pawiin ang takot; at ika-4, gawing pagkakataon ang krisis, at hanapin ang bagong growth point ng kooperasyon.

Pawang ipinalalagay ng mga ministrong panlabas ng iba't ibang bansang na mahalaga at napapanahon ang pagdaraos ng nasabing pulong.

Binigyan nila ng mataas na papuri ang mga isinasagawang hakbangin at bukas, maliwanag at responsableng pakikitungo ng Tsina sa pagpuksa sa epidemiya.

Anila, nakahanda ang mga bansang ASEAN na palakasin ang pakikipagpalitan ng karanasan sa panig Tsino, at magkasamang pataasin ang kakayahan sa seguridad na pangkalusugan ng rehiyon.

Inilabas sa pulong ang magkasanib na pahayag tungkol sa isyu ng COVID-19.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>