|
||||||||
|
||
Ayon sa lunar calendar ng nasyonalidad ng Zang, ang Pebrero 24, 2020, ay unang araw ng bagong taon.
Ito ang pinakamahalagang kapistahan ng mga mamamayan ng nasyonalidad ng Zang.
Pero ngayong taon, para mapigilan ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), hindi bumibisita sa isa't isa ang mga mamamayan ng nasabing nasyonalidad, at ipinahayag na lamang nila ang pagbati sa pamamagitan ng Wechat o telepono.
Sapul nang lumitaw ang epidemiya ng COVID-19, pinapalakas ng Lhasa, Tibet ang pamamahala sa mga mamamayan.
Kasabay nito, pinapalakas din ang serbisyo sa mga tao para igarantiya ang mga kailangang paninda sa pamumuhay.
Hanggang kahapon, walang bagong kaso ng COVID-19 ang nai-ulat sa Tibet, sa nakaraang 25 araw.
Ayon sa mga Tibetano, ang kalusugan at kaligtasan ay mas mahalaga kumpara sa ibang bagay.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |