|
||||||||
|
||
Kaugnay ng pagharap ng Tsina sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), inilabas nitong Sabado, Pebrero 22, 2020 ng leading group ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang patalastas hinggil sa pagpapatupad ng mga hakbangin sa ibayo pang pangangalaga at pagmamahal sa mga tauhang medikal.
Layon nitong pangalagaan at bigyang-pagmamahal ang mga tauhang medikal, at ipagkaloob ang mabisang garantiya sa pagpuksa sa epidemiya.
Tinukoy ng patalastas na pagkaraang maganap ang epidemiya, napakalaking ambag ang ginawa ng mga tauhang medikal sa buong bansa para sa pangangalaga sa buhay at kalusugan ng mga mamamayan.
Dagdag pa ng patalastas, nasa masusing panahon ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa buong bansa, mabigat ang tungkulin ng mga tauhang medikal, mataas ang panganib na sila ay mahahawa at malaki ang presyur sa kanilang trabaho.
Dapat palakasin ng mga kaukulang departamento ng iba't ibang lugar ang suporta sa kanila sa iba't ibang aspekto, para mapanatili ang kanilang kasiglahan, mapangalagaan ang kanilang kalusugan, at mapawi ang kanilang pagkabahala, diin ng patalastas.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |