Sinabi nitong Linggo, Pebrero 23, local time, 2020 ni Dmitry Peskov, Tagapagsalita ng Pangulo ng Rusya, na kinakatigan ni Pangulong Vladimir Putin ang pagdaraos ng summit ng Rusya, Turkey, Pransya at Alemanya hinggil sa isyu ng Syria.
Ayon kay Peskov, sa kasalukuyan, nagsasanggunian ang iba't ibang panig ukol sa konkretong petsa ng summit.
Subalit tinukoy niyang hindi pa napapatupad ng Turkey ang kasunduang narating ng mga lider ng Rusya at Turkey sa Sochi, Rusya noong 2018.
Kaugnay nito, ayon kay Pangulong Recep Tayyip Erdogan ng Turkey nitong Biyernes, Pebrero 23, local time, iminungkahi nina Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya ang pagdaraos ng nasabing summit sa Istanbul sa Marso 5, 2020.
Salin: Vera