Ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 14, 2019 ni US President Donald Trump na dahil sa banta sa kapayapaan at katatagang panrehiyon na dulot ng isinasagawang pananalakay ng Turkey sa hilagang bahagi ng Syria, pinatawan ng kanyang bansa ng maraming sangsyon ang Turkey at hiniling nito sa Turkey na agarang itigil ang mga kaukulang aksyon.
Nang araw ring iyon, isinagawa ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika ang sangsyon laban sa mga departamento at opisyal ng pamahalaan ng Turkey. Resulta nito, ipinatupad ang freeze order sa ari-arian ng mga pinatawan ng sangsyon ng Amerika, at di maaaring isagawa ang anumang transaksyon sa kanila ng mga mamamayang Amerikano.
Salin: Lito