Pagkatapos ng espesyal na pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa isyu ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nag-tweet nitong Biyernes, Pebrero 21, 2020 si Kalihim Teodoro Locsin ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas na nagsasabing batayan ng pulong ang siyensiya at katotohanan, at nakakamulat ito. Aniya, "We are stronger in broken places, we owe China for COVID containment on continental scale."
Kaugnay nito, hinangaan ni Zhao Lijian, bagong Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pahayag ng mga ministrong panlabas ng Pilipinas, Singapore, Thailand at iba pang bansa. Aniya, nakahanda ang Tsina, kasama ng iba't ibang kaukulang panig na kinabibilangan ng ASEAN, na gumawa ng kinakailangang ambag para sa usapin ng kalusugang pampubliko ng rehiyong ito at buong mundo.
Salin: Vera