Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang magha-hating gabi ng Pebrero 24, 2020, 409 ang bilang ng bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa mainland ng Tsina.
Samantala, 620 ang bagong pinaghihinalaang kaso, 1,846 ang gumaling, at 150 naman ang namatay.
Ayon pa rin sa datos, hanggang kaninang magha-hating gabi, umabot na sa 77,150 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mainland ng Tsina, at 3,434 ang umiiral na pinaghihinalaang kaso.
Samantala, 24,734 ang pangkalahatang bilang ng gumaling, at 2,592 ang pangkalahatang bilang ng mga namatay.
Salin: Vera