|
||||||||
|
||
"Palagian kong sinasabi, na ang sangkatauhan ay isang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan."
Ito ang sinulat ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang sagot-liham kay Bill Gates, Co-Chair ng Bill & Melinda Gates Foundation ng Amerika.
Dahil sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagkaroon ng mas malalimang pagkaunawa ang sangkatauhan sa komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan.
Walang kinikilalang hanggahan ang virus, kaya kailangang-kailangan ang pagbubuklud-buklod at pagtutulungan ng iba't ibang bansa upang puksain ito.
Upang pigilan at kontrolin ang pagkalat ng epidemiya, isinasagawa ng Tsina ang pinakakomprehensibo't pinakamahigpit na hakbangin, at maliwanag at napapanahong ipinaalam sa World Health Organization (WHO) at mga kaukulang bansa't rehiyon ang impormasyong may kinalaman sa epidemiya.
Nagpupunyagi rin ang Tsina, sa abot ng makakaya, para mapangalagaan ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan ng sariling bansa, maging ng buong mundo, at isabalikat ang sariling responsibilidad sa usapin ng pandaigdigang kalusugang pampubliko.
Sa pamamagitan ng pagtawag o pagpapadala ng liham, nagpahayag ng suporta sa Tsina ang mga namamahalang tauhan ng mahigit 160 bansa at organisasyong pandaigdig.
Ipinagkaloob din ng mahigit 30 bansa at organisasyong pandaigdig ang materyal na medikal para sa pagpuksa ng Tsina sa epidemiya.
Sa katulad na paraan, magkakasunod na nag-abuloy ng pondo at materyal ang mga dayuhang kompanya sa Tsina.
Ang lahat ng mga ito ay nagpapakita ng komong responsibilidad ng komunidad ng daigdig sa harap ng mga hamon at kahirapan.
Ang epidemiyang ito ay muling nakatawag ng pagpapahalaga ng mga tao sa pagkakaisa at pagtutulungan.
Mahalagang mahalaga ito sa kasalukuyang daigdig na lipos ng iba't ibang di-tiyak na elemento.
Sa proseso ng magkakasamang paglaban sa epidemiya, hinahanap ng iba't ibang bansa ang bagong aspekto at larangan ng kooperasyon, upang mapangalagaan at mapatatag ang kaunlaran ng sariling bansa at ng buong mundo.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |