Idinaos Pebrero 27, 2020, sa Cairo, kabisera ng Ehipto at Punong himpilan ng League of Arab States, ang Ika-53 Pulong ng Konseho ng mga Ministrong Pangkalusugan ng mga bansang Arabe.
Nanawagan sa pulong ang mga bansang Arabe na magkakasamang isagawa ang hakbangin para pigilan ang paglaganap ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Pinapurihan ng pulong ang pagsisikap ng Tsina sa larangang ito, at nananalig sa kakayahan ang Tsina na kontrolin ang epidemiya at pasulungin ang pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa epidemiya.
Lumahok sa naturang pulong sina Dr. Ahmed Al-Mandhari, World Health Orgnization (WHO) Regional Director for the Eastern Mediterranean, Haifa Abu-Ghazaleh, Assistant Secretary-General for Social Affairs of Arab League, at Liao Liqiang, Embahador na Tsino sa Ehipto. Ibinahagi ni Liao sa pulong ang kalagayan ng paglaban ng Tsina sa epidemiya, at ipinahayag na nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagkooperasyon at pakikipagpalitan sa mga bansang Arabe sa larangang pangkalusugan.
Salin:Sarah