|
||||||||
|
||
Sa katatapos na Munich Security Conference, sinabi ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na "lubos niyang ipinagmamalaki ang pagkamatay ng transatlantic alliance. Nagtatagumpay ang mga bansang kanluranin. Natatamo namin ang kolektibong tagumpay."
Pero sa pananaw ng isang artikulong inilabas kamakailan sa pahayagang Guardian ng Britanya, hindi taos-puso ang nasabing pananalita ni Pompeo. Sa katunayan, walang kolektibong tagumpay sa pagitan ng Amerika at Britanya, sa halip, lumayo ang puso nila kahit mapagkaibigan ang pagharap.
Halimbawa, magkaiba ang pakikitungo ng Amerika at Britanya sa isyu ng 5G technology ng Huawei Technologies Co. Ltd ng Tsina, at kinansela na ang pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa na nakatakdang idaos sa unang dako ng susunod na buwan. Sa pamamagitan ng lahat ng mga paraan, inilalagay ng Washington ang hadlang sa pag-unlad ng industriya ng hay-tek ng Tsina, at tinatangkang kidnapin ang kapakanan ng ibang bansa.
Pati rin ang relasyon ng Amerika at kontinenteng Europeo. Upang isakatuparan ang "priyoridad ng Amerika," sunud-sunod na pinatawan ng Washington ng unilateral na taripa ang mga trade partner sa Europa. Sa aspektong pulitikal naman, patuloy na ibinabagsak ng Amerika ang Unyong Europeo (EU). Tangka nitong sa pamamagitan ng paglapit sa mga bansa sa Gitna at Silangang Europa, mabawasan ang awtoridad ng EU sa pagtatakda ng mga alituntunin ng pag-aangkat ng enerhiya ng mga kasaping bansa. Sa isyung panseguridad, sa kabila ng kapakanan ng Europa, tumalikod ang Amerika sa Intermediate-Range Nuclear Forces Treaty, bagay na nakasira sa garantiya sa pagpigil sa nuclear arms race sa Europa.
Ayon sa katwiran ng kasalukuyang pamahalaang Amerikano, nakikinabang sa Amerika ang buong mundo. Nagiging masyadong bilib sa sarili, mapagmataas at banidosa ang ilang pulitikong Amerikano. Dahil dito napahamak nang napahamak ang Estados Unidos.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |