|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling impormasyon ng Tanggapan ng Pagbibigay-tulong sa Mahihirap ng Konseho ng Estado ng Tsina, pagkaraang maipatalastas ng Tibet ang pag-ahon mula sa kahirapan ng mga county nito noong nagdaang Disyembre, hanggang katapusan ng Pebrero 2020, naibsan din ang karalitaan sa lahat ng mga mahirap na county sa 8 pang lalawigan at munisipalidad ng Tsina.
Noong Pebrero 27, inaprobahan ng Lalawigang Shaanxi ang pagtanggal sa 29 na county mula sa listahan ng mahihirap na lugar.
Dahil dito, na-i-ahon na sa kahirapan ang lahat ng 56 mahirap na county ng naturang lalawigan.
Samantala, noong Pebrero 28, ipinatalastas din ng Lalawigang Henan ang pagpawi sa kahirapan sa 14 na na county.
Hanggang sa panahong iyan, napuksa na ang kahirapan sa lahat ng 53 mahirap na county sa Henan.
Sa kabilang dako, hanggang noong katapusan ng Pebrero, naibsan ang karalitaan sa lahat ng mga mahirap na county sa Lalawigang Hebei, Hainan, Shanxi, Helongjiang, Hunan at munispalidad ng Chongqing.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |