![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Nilagdaan nitong Linggo ng gabi, Marso 1, local time, 2020 ni Punong Ministro Giuseppe Conte ng Italya ang bagong kautusan hinggil sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon dito, pansamantalang ihihinto ang mga pagtitipun-tipon, paligsahang pampalakasan at ibang aktibidad na pampaligsahan sa Lombardia, Veneto, Emilia-Romagna at 2 pang lalawigan na malubhang naaapektuhan ng epidemiya.
Samantala, sinuspinde rin hanggang Marso 8 ang mga klase sa paaralan.
Sinarhan din ang mga sinehan at mga diskohan, pero muli namang bubuksan ang mga museo, cafeteria, restawran at bar.
Maliban dito, pansamantala ring pinaikli ang bakasyon ng lahat ng mga doktor at nars.
Bukod dito, itinakda sa nasabing kautusan ang mga hakbanging gaya ng pagsasagawa ng pleksibleng sistema ng pagtatrabaho, pansamantalang pagtigil sa kolektibong paglalakbay ng mga estudyante at iba pa.
Hanggang alas diyes ng gabi ng Marso 1, 1,694 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Italya.
Samantala, 41 ang namatay, at 83 ang gumaling.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |