Hanggang Martes ng hapon, Marso 3, 2020, umabot na sa 5,186 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Timog Korea. Ipinahayag nang araw ring iyon ni Pangulong Moon Jae-in na ang kanyang bansa ngayon ay nada "isang digmaan laban sa epidemiya." Diin niya, kung magkakasamang magpupunyagi ang lahat ng mamamayan nito, tiyak na mapagtatagumpayan ang epidemiyang ito.
Hinihiling pa niya sa mga kaukulang departamento na mahigpit na magtulungan para malutas ang problema sa pagkuha ng face masks sa lalong madaling panahon.
Salin: Lito