Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang magha-hating gabi ng Marso 5, 2020, 139 ang bilang ng bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Samantala, 143 ang bagong pinaghihinalaang kaso, 31 ang namatay, at 2,189 ang gumaling sa nasabing araw.
Ayon pa rin sa datos, hanggang kaninang magha-hating gabi, umabot na sa 80,409 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mainland ng Tsina, at 522 ang umiiral na pinaghihinalaang kaso.
Dagdag pa riyan, 52,045 ang pangkalahatang bilang ng gumaling, at 3,012 ang kabuuang bilang ng mga namatay.
Salin: Vera