|
||||||||
|
||
Sa regular na preskon tungkol sa epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na idinaos sa Geneva kamakailan, ipinahayag ng mga eksperto ng World Health Organization (WHO) na ang mga isinasagawang hakbangin ng Tsina ay nagpapakita ng bentaheng pampatakaran nito at pagpapakilos ng lahat ng mga mamamayang Tsino. Anila, dapat pag-aralan ng daigdig ang matagumpay na karanasan ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiyang ito.
Si Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng WHO
Sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng WHO, na sa kanyang pananatili sa Beijing, nakita niyang pinamumunuan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga gawain ng pakikibaka laban sa COVID-19. Bukod dito, nananatili sa kani-kanilang posisyon ang lahat ng mamamayang Tsino para labanan ang epidemiya, aniya pa.
Si Michael J. Ryan, Executive Director ng WHO Health Emergencies Programme
Sinabi naman ni Michael J. Ryan, Executive Director ng WHO Health Emergencies Programme, na bagama't nagkakaiba ang pag-unlad ng kalagayang epidemiko sa iba't-ibang bansa, puwede nilang pag-aralan ang mabuting karanasan mula sa Tsina.
Bukod dito, tinukoy ng WHO Director-General na ang pangakong pulitikal ay susi ng pagharap ng iba't-ibang bansa sa kalagayang epidemiko. Nag-aalala siya para sa ilang bansa, dahil hindi magkatugma ang ipinapakitang pangakong pulitikal at isinasagawang aksyon ng ilang bansa sa lebel ng panganib na kinakaharap ng daigdig.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |